KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

Demand sa trabaho sa BPO, mataas pa rin sa kabila ng pandemya

March 14, 2021 Uncategorized
Panayam kay Information Technology and Business Process Association of the Philippines President Rey Untal. (Screen grabbed from Laging Handa Public Briefing) 

LUNGSOD PARAÑAQUE, Hulyo 11 (PIA) — Patuloy ang pagtanggap ng mga applikante sa industriya ng Business Process Outsourcing (BPO) sa kabila ng pandemyang dulot COVID-19 ayon kay Information Technology and Business Process Association of the Philippines (IBPAP) President and CEO Rey Untal. 

Sa panayam sa Laging Handa Public Briefing nitong Biyernes, sinabi ni Untal na dahilan sa pagtaas ng demand sa costumer support para sa sektor ng medical healthcare, telecommunication, at online deliveries, nangangailangan ng mga karagdagang empleyado sa industriya. 

“Nagpahayag ang Job Street na noong sa gitna ng pandemya, yung inclusive period na kanilang inireport ay between March 15, hanggang 30, noong naka-ECQ (Enhanced Community Quarantine) tayo, although yung mumaba ang mga posting sa online portal na ito, 41% na mga trabahi na naka-tala sa noong panahon na iyon ay sa IT(Information Technology)-BPO, at sinundan ito ng mga opening sa gobyerno at edukasyon.” ani ni Untal.  

Ayon pa sa CEO, patuloy ang pag recruit ng sektor ng IT at BPO kahit pa noong may mas malawak ang pagpapatupad ng enhanced community quarantine.  

Dagdag nito na mayroong mga kumpanya ng BPO ang nangangailagan ng libo-libong empleyado. 

“Noong natapos yung 2019, mayroon na po tayong 1.3 million Filipinos na na empleyo sa IT at BPO industry, iyong 1.3 na trabaho na yun, nagbibigay po sa bansa ng $26.3 billion kada taon. Mayroon po din kaming tinatawag na multiplyer effect, na sa kada isang trabaho, na aming nake- create, nakakapag impluwensya din tayo ng hanggang 3-4 na trabaho sa ibat ibang industriya tulad ng food, retail, transportation, real estate.” dagdag ni Untal. 

Dagdag pa ni Untal na regular ang pakikipag ugnayan ng sektor ng IT at BPO sa Kagawaran ng Kalusugan, Kagawaran ng Kalakalan at Industriya, at Kagawaran ng Paggawa at Empleyo para masigurado ang kaligtasan ng mga empleyado sa industriya. (PIA-NCR) 

source https://pia.gov.ph/news/articles/1047296

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: