KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

CVMC iniimbestigahan na ang pagtalon ng isang suspected COVID-19 patient mula sa 3rd floor ng ospital

March 14, 2021 Uncategorized

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, May 12 (PIA) – – Iniimbestigahan na ngayon ng mga opisyal ng Cagayan Valley Medical Center (CVMC) ang pagtalon ng isang 89 taong gulang na suspected COVID-19 patient mula sa ikatlong palapag ng ospital na dahilan ng kanyang agarang kamatayan.

Ayon kay Dr. Glenn Matthew Baggao, hepe ng ospital, bandang alas tres nang malaman na tumalon ang matandang babaeng pasyente sa bintana ng kanyang silid.

Ang pasyente ay taga dito sa lungsod. Siya ay na-admit sa CVMC noong May 3 mula sa St. Paul Hospital dahil nagpapakita ito ng mga sintomas ng COVID-19.

Ayon kay Baggao mayroong severe acute respiratory infection, ischemic heart disease, pneumonia at senile dementia ang pasyente.

“Maaring depresyon ang dahilan ng pagtalon ng matanda dahil wala silang makausap sa kanilang silid sa COVID ward,” pahayag ni Dr. Baggao.

Inihayag din nito na kada-oras umanong minomonitor ng mga nurse ang kalagayan ng kanilang mga pasyente subalit dahil sa nangyari ay maglalatag na ang ospital ng bagong panuntunan sa oras ng pagmonitor ng mga nurse sa lahat ng pasyente.

“Gagawin na nating kada-tatlumpung minuto o mas madalas pa ang pagbisita at pagsilip sa kalagayan ng ating mga pasyente,” dagdag ni Dr Baggao.

Pag-aaralan na rin ng ospital ang mga paraan para hindi maulit ang kalunus-lunos na sinapit ng pasyente.

Kagabi ay kinumpirma ni Baggao na nag-negatibo na sa kanyang swab retest ang pinakahuling confirmed case ng CVMC na isang health worker kung kaya pawang mga suspected cases nalamang ang inaasikaso ngayon sa ospital. (MDCT/OTB/PIA 2-Cagayan)
 

source https://pia.gov.ph/news/articles/1041727

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: