KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

BGen Laurence Mina, nanungkulan na bilang bagong commander ng 5ID, PA

March 14, 2021 Uncategorized

 

Si 502nd Brig. Commander Brig. Gen. Laurence Mina bilang itinalagang bagong Commander ng 5ID, PA na nakabase sa bayan ng Gamu. (Larawan mula sa 5ID Star Troopers)

LUNGSOD NG ILAGAN, Isabela, Hulyo 15 (PIA) – Itinalagang bagong Commander ng 5th Infantry Division, Philippine Army na nakabase sa Gamu, Isabela ang dating commander ng 502nd Brigade na si B/Gen. Laurence Mina.

Ang pagtatalaga ay ginanap sa Camp Melchor F. Dela Cruz gymnasium na dinaluhan ng mga opisyal ng militar at miyembro ng Multi-Sectoral Advisory Council kung saan nagretiro na sa serbisyo si Maj. Gen. Pablo Lorenzo.

Pinangunahan ni Philippine Army Vice Commander Maj. Gen. Reynaldo Aquino bilang opisyal na kinatawan ni Army Chie Lt. Gen. Gilbert Gapay ang change of command sa nasabing kampo. 

Si Brig. Gen. Mina ay naging commander ng 502nd Infantry “Liberator” Brigade, naging Chief of Staff ng 5ID at miyembro ng PMA “Bigkis Lahi” Class of 1990.

Sa pagsasalita ni Maj. Gen. Aquino, pinayuhan nito ang mga opisyal ng militar na panatilihin ang pagiging tapat sa sinumpaang tungkulin na ipagtanggol ang bansa laban sa mga kalaban ng pamahalaan at panatilihing mapayapa ang bansa. 

Sinabi rin nito na dapat manatiling nakakatutok ang pansin at nasa maayos na kalusugan ang kasundaluhan para makamit ang kapayapaan para tuluyang mapuksa ang terorismo sa bansa. (MDCT/MGE/PIA 2-Isabela)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1047621

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: