KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

BFAR 4A naghulog ng 10K pirasong Ayungin fingerlings sa Lawa ng Taal

March 14, 2021 Uncategorized
Pinangunahan ng BFAR 4A ang paghuhulog ng may 10,000 piraso ng Ayungin figerlings sa Lawa ng Taal noong Mayo 1 bilang bahagi ng programang “Balik Sigla sa Ilog at Lawa” o BASIL at rehabilitasyon ng lawa na naapektuhan ng pagpuputok ng Bulkang Taal. (Caption: CP Gonzaga/Photo: BFAR 4A FB Page)

LUNGSOD NG CALAMBA, Mayo 4 (PIA)–Sa araw ng mga Manggagawang Pilipino, Mayo 1, nagsagawa ang BFAR 4A ng paghuhulog ng may 10,000 pirasong fingerlings ng Ayungin sa Lawa ng Taal bilang bahagi ng rehabilitasyon ng lawa na naapektuhan ng nakaraang pagputok ng Bulkang Taal at upang matugunan ang masaganang ANI AT mataas na KITA ng mga mangingisda.

Ang patuloy na pagsasagawa ng paghuhulog ng mga fingerlings sa mga lawa at ilog sa CALABARZON ng Bureau of Fisheries and Acquatic Resources (BFAR) Region 4A ay bahagi ng programang “Balik Sigla sa Ilog at Lawa” o BASIL na layong maibalik ang mga isda sa mga ilog at lawa sa CALABARZON na unti-unting nawawala dahil sa ilegal na pamamaraan at mga ‘invasive fishes’.

Nauna rito, nagsagawa na rin ng paghuhulog ng may 10,000 piraso ng Ayungin fingerlings ang BFAR 4A sa Lawa ng Taal noong ika-16 ng Abril bilang bahagi pa rin ng rehabilitasyon ng lawa na apektado ng nakaraang pagputok ng Bulkang Taal.

Kaugnay nito, buong pusong pasasalamat ang ipinarating ng BFAR 4A sa tanggapan ng National Fisheries Research and Development Institute- Freshwater Fisheries Research and Development Center (NFRDI-FFRDC) sa pagkakaloob ng mga fingerlings ng ayungin na nagmula sa kanilang hatchery.

Ang programang ito ay naisagawa sa pamamagitan ng BFAR 4A, Batangas Inland Fisheries Technology Center (BIFTOS) kasama ang Municipal Agriculturist ng San Nicolas, Batangas, Kilusan ng mga Maliliit na Mangingisda sa Lawa ng Taal (KMMLT) at Protected Area Management Office- Taal Volcano Protected Landscape (PAMO-TVPL).

Maliban sa Lawa ng Taal, may 100,000 piraso ng Tilapia fingerlings ang naihulog na rin ng BFAR 4A sa Laguna Lake noong ika-17 ng Abril. Nagmula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region 4A -Fisheries Production and Support Services Division (FPSSD) at BFAR 4A-Freshwater Demonstration Fish Farm (FDFF) ang mga tilapia fingerlings.

Dagdag pa rito, ang BFAR Region 4A at Batangas Inland Fisheries Technology Outreach Station (BIFTOS) katuwang ang Provincial Fisheries Office ng Laguna ay nagsagawa din ng paghuhulog ng 22,000 piraso ng common carp fingerlings sa Brgy. Baybayin, Los Baños at 4,000 piraso ng ulang o freshwater prawn na inihulog sa Brgy. San Antonio, Bay noong ika-15 ng Abril 2020. (CPGonzaga, PIA-4A at ulat mula sa BFAR 4A FB Page)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1040602

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: