KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

Bautista sa IAC-VAWC: Programa at serbisyo, ipagpatuloy sa gitna ng community quarantine

March 14, 2021 Uncategorized

LUNGSOD PASIG, MayO 13 (PIA) — Nanawagan si Kalihim Rolando Bautista ng Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan  sa Inter-Agency Council on Violence Against Women and Their Children na ipagpatuloy ang mga kasalukuyang programa at serbisyo sa gitna ng community quarantine.

Sa virtual presser ng kalihim nitong Martes, sinagot ni  Bautista ang katanungan tungkol sa mga ulat ng abuso laban sa mga kababaihan at kabataan sa gitna ng krisis.

Ayon kay Bautista, naitala ng Philippine Commission on Women (PCW) ang 800 na kaso ng gender-based violence against women and children mula March 15 hanggang April 30, 2020.

Bagaman bumaba ang bilang ng kaso na nai-report mula 1,383 noong Enero, 1,224 na kaso noong Pebrero, at bumaba ito hanggang 1,044 nitong Marso, ay kailanganng pa ring aniya pag-nilayan ang mga maaaring rason sa likod ng pagbaba ng datos.

Ayon sa kalihim, ang maaaring isang dahilan ng pagbaba ng bilang ay ang pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) protocols kung saan nahihirapan ang mga biktima ng karahasan na lumapit sa mga otoridad upang sila ay maprotektahan.

Nanawagan din si Bautista sa mga service providers at local social welfare and development offices na ipagpatuloy ang mga kasalukuyang programa at serbisyo upang maprotektahan ang mga victim-survivors lalo na sa panahon ng pandemya.

Samantala ayon sa PCW, ay walang lugar ang sexual violence sa tahanan sa gitna ng community quarantine.

Nanawagan ang PCW na kung mayroong kakilala o nakararanas ng karahasan, huwag mag-atubiling humingi ng tulong sa inyong barangay VAW Desk, pinakamalapit na presinto ng pulisya at / o Provincial / City / Municipal Social Welfare and Development Office ng iyong lokal na pamahalaan.

Maaari ding tumawag sa PNP Hotline 177 o sa Aleng Pulis Hotline (+63) 919-777-7377. Sa PNP Women and Children Protection Center: 8532-6690 o mag email sa  wcpc_pnp@yahoo.com / wcpc_vawcd@yahoo.com / avawcd.wcpc@pnp.gov.ph. Maaari din tumawag o mag email sa NBI Violence Against Women and Children Desk (VAWCD) Hotline: (02) 8525-6028 o email sa vawcd@nbi.gov.ph. (DSWD/PCW/PIA-NCR)

 

source https://pia.gov.ph/news/articles/1041722

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: