KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

Bagyong ‘Carina’ maaaring magdulot ng pagbaha, landslide ayon sa PAGASA

March 14, 2021 Uncategorized

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, July 13 (PIA) – – Pinag-iingat ang lahat ng mga mamamayan sa Cagayan Valley Region sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa dulot ng bagyong Carina.

Ayon kay Engr. Leo Bunyag ng PAGASA Northern Luzon, ‘moderate to heavy rains’ ang patuloy na mararanasan sa buong hilagang Luzon ngayon araw hanggang bukas.

Nagsimula kaninang umaga ang malakas na pag-ulan at maari din umanong mag-landfall ang bagyo anumang oras sa dulong hilagang bahagi ng lalawigan.

“Kailangan maging alerto tayo dahil may mga pagkakataon na mabigat ang buhos ng ulan kaya pwede itong magdulot ng flashflood at landslide,” sabi ni Bunyag.

 Inabisuhan na rin ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC) ang lahat ng mga lokal na pamahalaan na maging alerto sa epekto ng bagyo.

 Pinagiingat din ang mga nakatira sa coastal zones habang ang mga mangingisda at maglayayag gamit ang maliliit na bangka ay hindi muna pinapayagang pumalaot dahil sa malalaking alon.

Sa kabilang banda, ikinatuwa naman ng mga magsasaka ang ulang hatid ng bagyo dahil ilang araw nang natuyot ang kanilang mga pananim.

Ayon din kay Buñag, maliit ang posibilidad na umapaw ang Magat Dam at Cagayan River dahil masyadong mababa ang lebel ng tubig sa mga ito. (MDCT/OTB/PIA 2-Cagayan)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1047428

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: