KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

Angadanan mayor iniutos ang lockdown sa barangay San Vicente

March 14, 2021 Uncategorized

LUNGSOD NG ILAGAN, Isabela, Hunyo 17 (PIA) – Iniutos ni Angadanan Mayor Joelle Mathea Paganiban na isailalim sa lockdown ang barangay San Vicente, ang lugar na inuwian ng pasyenteng nag-positibo sa COVID-19 sa naturang bayan.

Ani Panganiban, nalaman niya ang travel history ng nasabing pasyente sa kanyang Municipal Health Officer na si Dr. Belinda Bispo kahapon ng hapon kung kaya’t nagdesisyon siya na isailalim ang San Vicente sa total lockdown upang masigurong mapadali ang contact tracing sa mga nakasalamuha ng pasyente.

Aniya nagsimula na silang magsagawa ng contact tracing at magtatagal ang lockdown hanggang matapos ang ginagawa nilang contact tracing sa mga nakasalamuha ng pasyente.

Sa ngayon ay tinututukan ng PNP at MDRRMO ang mga checkpoint sa mga entry at exit point ng nasabing barangay upang walang residente na makapuslit palabas at papasok sa barangay San Vicente hanggang hindi pa natatapos ang contact tracing ng otoridad sa nasabing bayan.

Nanawagan siya sa mga residente ng barangay na makiisa sa utos ng alkalde upang mapadali ang contact tracing at maalis din sa lalong madaling panahon ang lockdown at pinayuhan niya ang mga ito na palaging magsuot ng face mask, i-observe ang social distancing at manatili sa kanilang mga bahay.

Dagdag nito na ibibigay ng LGU Angadanan katuwang ang pamahalaang panlalawigan ang mga pangangailangan ng mga residente habang naka-lockdown at nagsasagawa ng contact tracing. (MDCT/MGE/PIA 2-Isabela)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1044905

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: