KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

192 Romblomanon na stranded sa ibang lugar, tumanggap ng ayuda

March 14, 2021 Uncategorized
Ayon kay Governor Jose Riano, nagbigay sila ng P1,000 na ayuda sa may aabot na 192 na stranded na mga Romblomanon na nasa Mindoro, Boracay, Cavite at sa Metro Manila. (Larawan mula sa Romblon News Network)

ODIONGAN, Romblon, Mayo 12 (PIA) — Nagpadala na ng tulong ang Provincial Government ng Romblon sa mga na-stranded na mga Romblomanon sa ibang lugar dahil sa umiiral na enhanced at general community quarantine, ito ang ibinahagi ni Governor Jose Riano nitong Lunes sa programang Humbak ng Pag-uswag ng Romblon News Network.

Ayon sa Gobernador, nagbigay sila ng P1,000 na ayuda sa may aabot na 192 na stranded na mga Romblomanon na nasa Mindoro, Boracay, Cavite at sa Metro Manila.

“P1,000 na ang nabigay sa mga stranded nating kababayan sa iba’t ibang probinsya. Meron sa Mindoro, Boracay, Cavite at sa Metro Manila. May 192 na ang nakakuha ng kanilang ayuda,” ayon sa Gobernador.

Aniya, maliban sa natutulungan ng provincial government ay nag-aabot rin ng tulong ang mga munisipyo sa kanilang mga kababayan.

“Ang mga LGUs naman natin sa bawat munisipyo ay nagsusumikap para makatulong rin. Ang province ay hindi rin makapagbigay ng malaki kasi marami rin kasing pinagkakalooban ng assistance,” dagdag ni Governor Riano.

Sa darating na Miyerkules, pag-uusapan umanong muli ito ng Provincial Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases, kung ano ang gagawin sa mga stranded na Romblomanon sa ibang lugar. (PJF/PIA-Mimaropa)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1041587

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: