KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

15 LGU sa NCR, kumpleto nang nakapamahagi ng SAP

March 14, 2021 Uncategorized

LUNGSOD CALOOCAN, Mayo 26 (PIA) –May 15 mula sa 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ang 100% nang nakapamahagi ng Social Amelioration Program (SAP) emergency cash subsidy para sa mga mahihirap na pamilya na hindi benipisyado ng Pantawid Pamilya Pilipino Program (4Ps).

Ito’y ayon sa datos  ng Department of Social Welfare and Development – National Capital Region (DSWD-NCR) sa kanilang SAP dashboard noong Mayo 20, 2020.

 Sa kabuuan, 98. 8% na o 1,539,240 mahihirap na  pamilya sa NCR mula sa target na 1,558, 615 ang nabigyan ng tulong pinansiyal mula sa SAP.

Pinakaunang natapos sa pamamahagi ang lungsod ng Caloocan na sinundan naman ng Maynila, Paranaque at Pasig.  Sumunod na rin ang iba pang lungsod at ang naiwan na lamang ay ang mga lungsod ng  Las Piñas at Makati. Samantala, hanggang Mayo 30 ang ibinibigay na extension sa pamamahagi ng tulong.

Sa isang press briefing, sinabi ni DILG Secretary Año na limang lokal na pamahalaan sa NCR ang mabibigyan ng show cause letter dahil hindi nakasunod sa ilang  itinakdang deadline.

Sinabi ni DSWD-NCR Regional Director Vicente Tomas, na nagbigay na rin ng karagdagang listahan ng mga pamilyang left-outs (mga pamilyang kwalipikadong mabigyan subalit hindi nabigyan) ang mga LGU na nakatapos na ng kanilang pamamahagi.

Ayon kay Tomas, kanilang isusumite sa DSWD Central Office ang listahan upang mapag-usapan kasama ang iba pang ahensiya ng pamahalaan na magpapatupad ng distiribusyon ng 2nd tranche ng SAP. Wala namang nabanggit kung ilan na sa mga LGU sa NCR ang nakapagsumite ng buong liquidation report ng 1st tranche.

Sa pamamahagi naman ng SAP para sa mga benipisyado ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program, 98,3% na ang naipamahagi sa mga benipisyado. Sa ulat ng DSWD-NCR Operation Center, kahit pa man may nakahanda ng data base ang programa, at mataas ang porsiyento ng pamamahagi, walang LGU na naka 100% sa mga sumusunod na dahilan: 1. over the counter payment sa mga walang cash card o atm.; 2. may mga lumipat o narelocate at 3. ilang pamilya ang sumasailalim ng proseso ang aplikasyon para sa pagpalit ng grantee.

Nagapasalamat naman si Tomas sa mga lokal na pamahalaan ng Metro Manila sa patuloy na pagtugon sa pangangailangan ng kanilang mga mamamayan.

Ani Tomas, “ Kung mayroon mang limitasyon ang augmentation support na ipinaabot ng Pamahalaang Nasyonal, ito ay sumasapat sapagkat mayroong mga iba pang programa sa bawat Lungsod at Munisipalidad na kanilang ibinibigay sa kanilang mga constituents.”  

Kaniya ring pinasalamatan ang mga field workers ng DSWD- NCR sa kanilang dedikasyon at walang panghihinawang pagtulong upang masegurong ang mga kwalipikadong pamilya ay makakuha ng inaasahang tulong mula sa Pamahalaan.

Ang SAP ay iniatas sa ilalim ng  Republic Act No. 11469 o Bayanihan to Heal As One Act upang matulungan ang  18 milyong Filipino na matinding naapektuhan ng pagbaba ng enhanced community lockdown o ECQ dahil sa COVID-19 pandemya. (DSWD/PIA-NCR)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1042872

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: