KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

12 ARBs sa Santiago City nakatanggap ng CLOA mula sa DAR

March 14, 2021 Uncategorized

LUNGSOD NG ILAGAN, Isabela, Hunyo 25 (PIA) – Umaabot sa labingdalawang Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) mula sa Santiago City ang nakatanggap ng kanilang Certificate of Land Ownership Award (CLOA) mula sa Department of Agrarian Reform (DAR).

Ang pamimigay ng CLOA ay ginanap sa Community Center ng barangay Sagana, Santiago City nitong nakalipas na Hunyo 22, 2020.

“Buong-puso at labis kaming nagpasasalamat sa iniabot ng pamahalaan lalo na ang DAR Santiago City dahil naibigay na sa amin ang matagal ng inaasam-asam na titulo ng lupa na aming sinasaka,” sambit ni Leislie Dizon, 37 taong gulang at isa sa mga nakatanggap ng CLOA mula sa DAR.

Aniya nahawakan din nila sa wakas ang titulo ng lupa na kanilang sinasaka sa matagal na panahon at maging inspirasyon nila ito upang pag-ibayuhin at mapalago ang lupa na kanilang sinasaka upang makatulong sa gobyerno sa produksiyon ng sapat na pagkain para sa mamamayang Pilipino.

Samantala, pinayuhan naman ni MARO Vicky Palis ang mga benepisaryo ng lupa na sumali sa ARB organization upang makinabang sa mga tulong na ibinibigay ng DAR bilang suporta sa mga ito na mapalago ang kanilang pagsasaka.

Aniya hindi nagtatapos sa pamamahagi ng titulo ng lupa ang tungkulin ng DAR sa bayan, bagkus, ito ay ang simula pa lamang ng daan patungo sa inaasam-asam na mas maunlad na buhay ng mga magsasaka.

Siniguro nito na buo ang suporta ng DAR sa mga magsasakang naglalagay ng pagkain sa hapag-kainan ng bawat pamilyang Pilipino. (MDCT/MGE/ PIA 2-Isabela)

 

source https://pia.gov.ph/news/articles/1045773

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: