KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

KUWADERNO.COM

Different Genres.

One Name.

One Soul.

One Addicition.

Blog Post

100 baka ipinagkaloob sa mga magsasakang apektado ng pagsabog ng Bulkang Taal sa Lipa

March 14, 2021 Uncategorized
May 100 baka ang ipinamahagi ng DA-Calabarzon sa mga magsasakang mula sa lungsod ng Lipa na apektado ng pagsabog ng Bulkang Taal. (Larawan mula DA Calabarzon/Caption ni Bhaby P. De Castro-PIA Batangas)

LUNGSOD NG LIPA, BATANGAS, Mayo 11 (PIA)–Nagkaloob ang Department of Agriculture-Region IV Calabarzon ng 100 baka sa pamahalaang lungsod ng Lipa noong ika-9 ng Mayo upang ipamahagi sa mga magsasakang naapektuhan ng pagsabog ng Bulkang Taal.

Nakibahagi sa naturang pamamahagi sina G. Denis Arpia, Assistant Regional Director for Operations at Regional Rice Program Coordinator at Gng. Vilma Dimaculangan, Assistant Regional Director for Research and Regulations at Regional Livestock Program Coordinator mula sa tanggapan ng DA at sa bahagi naman ng pamahalaang lungsod sina Mayor Eric Africa at City Veterinarian Dr. Samuel Garcia.

Nauna rito, nagsagawa na din ng pamamahagi ng intervention ang naturang tanggapan para sa mga apektadong magsasaka sa bayan ng Laurel noong Mayo 1, 2020. Ang bayan ng Laurel ang isa sa mga bayan sa lalawigan ng Batangas ang lubhang naapektuhan ng pagsabog ng Taal Volcano.

Nakatakda na ring makakatanggap ng kaparehong tulong ang mga benepisaryo ang may 15 pang bayan at siyudad sa Batangas kabilang ang Tanauan, Lemery, Taal, Agoncillo, Alitagtag, Balete, Cuenca, Malvar, Mataas na Kahoy, San Nicolas, Sta. Teresita, Talisay, San Jose, Bauan at Mabini.

Sa kabuuan, naglaan ang ahensiya ng kabuuang 1,163 baka, 482 kalabaw at 850 kambing upang ipamahagi sa mga magsasaka sa buong lalawigan ng Batangas.

Ang pagkakaloob ng baka at iba pang mga hayop ay bahagi ng rehabilitation at recovery program ng DA Calabarzon sa mga apektadong magsasaka dahilan sa pagputok ng bulkang Taal noong Enero ng taong ito.

Ito rin ay napapanahon sapagkat hindi pa man nakakabangon ang karamihang Batangueno mula sa pagsabog ng Bulkang Taal, ngayon naman ay dumaranas sa epektong dala ng COVID-19 pandemic hindi lamang sa usaping pangkalusugan kundi maging sa usaping pangkabuhayan. (BHABY P. DE CASTRO-PIA Batangas with reports from ARC,DA-RAFIS)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1041520

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: